Entry 2: BLANKet.

Tags

, ,

Para kang security blanket: warm.

‘Di ko na susubukan pang itanggi ang ganitong aspeto ng ugnayan natin, pero alam mo naman ‘di ba? Hindi por que maiksi na ang kumot, kailangan mong bumaluktot.

Oo, nangyayari talaga ‘yun. Hindi magtatagal, lalakihan mo na ang kumot at hindi ka na kakasya pa ‘run. Bitin na, ‘di ka na kayang takpan nang buo.

Pwede rin namang masikip na, masyado ka nang maraming kakumpitensya sa kumot. ‘Di lang naman kasi ikaw ang nakikinabang ‘dun!

Pwede rin namang ‘yung kumot mismo, may punit na, kaya pinapasukan na ng malamig na hangin. Dahil pinag-aagawan kaya napunit? Maaari. Pwede rin namang sadyang marupok na, gawa ng matagal na paggamit.

Pwede rin namang OA na ang pagtatalukbong, ikaw na mismo ang nainitan, kaya pinili mong ‘wag na lang magkumot.

Ke papaano man humantong sa gano’n, iisa lang ang ending nyan:
Aalis ka mula sa pagkakabalot mo sa kumot at haharap sa lamig (at lamok) nang nag-iisa. Saka mo maiisip,
“Kaya ko naman pala, eh!”
Hindi mo naman pala kailangan ‘yun sa simula pa lang.

May mga bagay na pwede namang wala na lang, pero ayos din lang kung meron. Huwag ka nga lang masanay masyado kasi hindi naman ‘yan mananatili sa’yo habambuhay  (Some things should have come with a warning).

Pwede rin namang may mas nangangailangan ng kumot, kaya hindi natin ito dapat ipagdamot , ‘di ba?

Ibang kumot na lang kaya?

Sa ngayon hindi ko pa uli kailangan. 
Pero tanungin mo ulit ako next time. 🙂
You know, the winter is coming.

image

Ito ka lahat, oh! DATI.

Posted from WordPress for Android